Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Friday, November 28, 2008

'kirai nano desu!

'i am going through my previous posts when I've found this one.

http://blackraven27.blog.friendster.com/2007/06/wake-up-stop-dreamin/#comments

'umaakma ito ngayon sa nararamdaman ko. sa ika-nth time, i am again pleasing everybody without me pleasing myself instead. dahil muli, nais kong tanggapin nila ako sa mundo nila. bago lang ako sa mundong iyon. kumbaga, 'dayo'. at dahil kailangan kong manatili sa mundong iyon, kailangan kong makibagay. pero walang nangyayari. kahit anong gawin ko, hindi ako makasabay. i am left-out. i am ignored. i am alone.

at nasasaktan ako. ang tinutukoy ko... group ko sa duty. sa sobrang depression ko, hindi na ako nakakapasok sa duty. (at sa kauna-unahang pagkakataon sa buhat estudyante ko, na-refer ako sa guidance T.T) ewan ko. masakit sa pakiramdam na sa isang grupo ikaw lang iyong naiiba. ikaw lang iyong nag-iisa. ikaw lang iyong outcast.

hindi siguro nila napapansin iyon. madalas tahimik lang kasi ako. siguro kasalanan ko din dahil hindi rin ako marunong makibagay. o siguro pakiramdam ko lang lahat nang ito. walang katotohanan. pinaglalaruan lang ako ng damdamin ko.

pero hindi ko maisantabi. nasasaktan talaga ako.

sa comments ni elaine, ngayon ko lang napansin iyong mga salitang iyon. TANGGAP KA O HINDI, YOU ARE STILL A PART OF IT. tama siya hindi ba?

'holding hands with sadness.

“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo”

~ pinost yan ng isang friend ko dito sa FS. hindi ko dapat inopen un kasi naka-adress lang un sa mga kaibigan niya. pero dahil naka-post sa bulletin, naisip kong siguro may karapatan din akong buksan iyon. o ang kahit sino dahil kung wala malamang nag-PM na lang siya di ba? ehe. aun.

puro "words of wisdom" ung laman ng post. madami un. pero sa lahat, ito ang nakakuha ng atensyon ko. hindi ko alam pero sa sandaling mabasa ko 'to, nagbalik lahat sa ala-ala ko lahat ng mga pinagdaanan ko NOON.

alipin din ako ng kalungkutan noon. kalungkutang ayaw na akong lubayan. na tila ba nakahanap siya ng kanlungan sa puso ko. tama siya, kung sino man ang nagsabi nun. paano ka nga naman magiging masaya kung buong puso mong hinahawakan sa iyong mga kamay ang kalungkutan mo? paano ka niya iiwan kung ikaw mismo ayaw mo siyang pakawalan? ngayon ko lang naintindihan iyon. ngayon ko lang naunawaan.

at nagpapasalamat akong bago pa ako tuluyang lamunin ng kalungkutan ko, nagawa ko itong pakawalan. nagawa ko itong palayain. at sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa kong yakapin ang kasiyahan.

kasiyahang sa pananaw ko ay panandalian lamang.

..muli na naman siyang bumalik sa akin. ayoko na sa totoo lang. gaya ng nauna ko nang nasabi, muli na naman akong naglalakad ng paatras. kailangan ko nang sumulong, pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko patungo sa kinabukasan ko. tuwina'y bumabalik ako sa pinanggalingan ko. at tuwing nakakabalik ako, muli niya akong lulunurin. muling sasakalin.

kasalanan kong muli ito. wala namang ibang dapat sisihin e. pero sa ngayon hindi ko pa siya magawang pakawalan. at natatakot ako. natatakot akong muling bulagin ng kalungkutan ko. pero wala akong magawa. hawak niya ako. hawak ko siya. at hindi ko magawang bumitaw. hindi ko magawa...

Monday, November 17, 2008

i overslept... and that isn't so good, is it? to think today is supposed to be my duty. a 2-hour ride from home. i should be waking up 3am and leave at 5 but i woke up quarter before 5 instead. my sense of responsibilty is gone long before i gain it. and it sucks. i'm out of line again. i am moving backwards. because i am too lazy to move forwards. *sigh* i'm stuck.