ui, kumusta? ang tagal na rin pala ano? hmm. heto na naman kasi ako. magpapaka-senti. magbubuhos ng sama ng loob. hehe. actually, hindi naman ganun ka-sama. medyo lang. haiz.
hayun. nag-level up na kasi ako. sa wakas. at dahil level up (hindi sa on line games ha? ;p) kailangan ire-shuffle yung sections namin. kaya ibig sabihin iba na ulit mga klasmeyts ko ngayon. okay naman sila. kahit paano nakakasundo ko na rin sila. hindi nga lang katulad nung dating section namin na talagang lahat kami magbabarkada, magkakasundo. yung ngayon kasi hati sa grupo-grupo. hindi naman maiiwasan un, alam ko. lalo na ung talagang mga close sa isa't isa. kahit naman ako nabibilang din sa isang grupo. pero iba pa rin talaga ung dati. walang katulad pa rin ang samahan namin noon.
ngayon, dahil re-shuffled ang sections, natural pati mga groupings sa duty nag-iba rin. may isa pa rin naman akong ka-group sa duty noon na hanggang ngayon ka-group ko pa rin. pero ganun pa rin. iba. nakakapanibago. wala akong masabing masama sa mga ka-group ko ngayon. mababait din naman sila. madaling kausap. masaya. pero may mga pagkakataon na pakiramdam ko naa-out of place ako. kaya ko rin naman makipagsabayan sa kanila, kaya lang... may ganung effect talaga. (ano daw?)
ngayon ko lang naramdaman ulit ito. ang pag-iisa. *sigh*
i just realized now, i am not so used to being alone anymore.
sana hindi ko na lang naranasan ang magkaroon ng kasama. okay na sana ako sa pag-iisa, kaso, hindi ko kayang ilayo ang sarili ko sa mga TOTOONG KAIBIGAN na handang tumanggap sa kung ano ako. pero heto na naman ako. nakakainis!
No comments:
Post a Comment