August 19, 2008. duty ko nung araw na iyon. 3-11. pinaka-ayokong shift sa lahat. i mean ayoko rin pala ng 7-3. 11-7 lang ang gusto ko. haiz. special area kami nung gabing iyon. Delivery Room. kailangan eh. malapit na rin kasi ang midwifery board. kailangang mangumpleto ng delivery cases. sa totoo lang, sa halos dalawang taon ko ng pagdu-duty, ngayon lang ako na-assign sa DR. at kung papalarin, first time kong tatapak sa loob mismo ng DR at makapag-observe ng delivery. ako na nga lang yata ang nag-iisang wala pang "delivery" experience. paano naman kasi, kung nagkataong sa district hospitals kami at may nanganak, kung hindi ko dala ang scrub suit ko, lagi namang huling bilang ang nabubunot ko. bunutan kasi kung sino ang papasok para kumuha ng case at mag-assist sa panganganak.
nang gabing iyon, excited ako. syempre makakapanood na ako ng panganganak. hindi nga lang makakakuha ng case kasi pan-walo pa ako, eh hindi naman ganun karami ang nanganganak. masuwerte na kung may 3 sa buong shift namin. tama, swertihan lang iyan. pero masaya pa rin ako. it would be a very good first-time experience. nakakatuwa. at nangyari nga. while staring at the whining woman, who unluckily was a 17 y/o girl at iniwan ng nakabuntis sa kaniya. too bad. oh, well. that's life 'ika nga. hayun. naisip ko, ganun pala ang manganak. mahirap. i thought everybody was just exaggerating when they said mahirap ang manganak. but seeing it with my own eyes, i couldn't doubt a bit. that was a very thrilling, exciting first-time experience. masaya ako. sobra. first time.
but happiness is short-lived. i remember when i was in high school, kapag sobrang saya naming magbabarkada we always say na, "wag tayong masyadong masaya, baka mamaya sobrang lungkot na ang kasunod niyan..." hindi ko maintindihan kung bakit ganun, pero ilang beses ko nang napatunayan iyan. ilang beses na. hindi na mabilang. one minute you're happy, then suddenly you're sad. kaya naisip ko, mahirap din palang maging masaya. pero mapipigilan ba iyon? kung hindi ka magiging masaya nang hindi mo maranasan ang lungkot, do you think that would still be enough? malungkot pa rin iyon di ba?
nung makauwi ako that time, excited ako. i can't wait to tell my mom and dad my first-time delivery experience. pero pagdating ko sa bahay, nakita kong inaasikaso nila si moja. iyong pet dog namin. oh, how we love him! well, for some, a dog is just a dog. pero sa amin, he is somewhat a member of our family. yeah, we got too emotionally attached to him. may sakit si moja. nung mga unang araw, we thought it was just a simple "lagnat" na nakukuha sa paracetamol at nung binili ni papa na gamot para sa aso. pero nung gabing iyon, parang bigla na lang lumala ng sobra. nagsusuka siya taz hirap na hirap siyang umubo. we wanted to take him to the vet, pero gabing-gabi na iyon. taz umuulan pa ng malakas. so we decided na kinaumagahan na lang siya dalhin. bago ako matulog nang gabing iyon, niyakap ko siya, i asked him to hold on 'til tomorrow dahil dadalhin namin siya savet kinabukasan. but i know, deep inside, that would be the last time na mayayakap ko siya. haiz. it was 4 am when he finally let go. well, aaminin ko, umiyak ako. iniyakan ko ang kauna-unahang alagang pinahalagahan namin. for me, it wasn't just losing a pet. it wasn't just losing a dog. it's losing a family. and it hurts like hell. wala man lang kaming nagawa para sa kaniya. but i think, it's better this way. siguro naman happy siya ngayon wherever he is. *sigh*
really happiness is short-lived. if i wasn't assigned sa DR that time. if i didn't have my first-time experience that made me really happy, would he still be alive? i don't understand why i feel really down and lonely that i feel like crying over a dead dog. but you see, i told you he's not just any dog. not just any pet either. he's a part of my family. he is dear. and i love him. i'll always do.
Friday, August 29, 2008
Friday, August 8, 2008
euphoria
ui, kumusta? ang tagal na rin pala ano? hmm. heto na naman kasi ako. magpapaka-senti. magbubuhos ng sama ng loob. hehe. actually, hindi naman ganun ka-sama. medyo lang. haiz.
hayun. nag-level up na kasi ako. sa wakas. at dahil level up (hindi sa on line games ha? ;p) kailangan ire-shuffle yung sections namin. kaya ibig sabihin iba na ulit mga klasmeyts ko ngayon. okay naman sila. kahit paano nakakasundo ko na rin sila. hindi nga lang katulad nung dating section namin na talagang lahat kami magbabarkada, magkakasundo. yung ngayon kasi hati sa grupo-grupo. hindi naman maiiwasan un, alam ko. lalo na ung talagang mga close sa isa't isa. kahit naman ako nabibilang din sa isang grupo. pero iba pa rin talaga ung dati. walang katulad pa rin ang samahan namin noon.
ngayon, dahil re-shuffled ang sections, natural pati mga groupings sa duty nag-iba rin. may isa pa rin naman akong ka-group sa duty noon na hanggang ngayon ka-group ko pa rin. pero ganun pa rin. iba. nakakapanibago. wala akong masabing masama sa mga ka-group ko ngayon. mababait din naman sila. madaling kausap. masaya. pero may mga pagkakataon na pakiramdam ko naa-out of place ako. kaya ko rin naman makipagsabayan sa kanila, kaya lang... may ganung effect talaga. (ano daw?)
ngayon ko lang naramdaman ulit ito. ang pag-iisa. *sigh*
i just realized now, i am not so used to being alone anymore.
sana hindi ko na lang naranasan ang magkaroon ng kasama. okay na sana ako sa pag-iisa, kaso, hindi ko kayang ilayo ang sarili ko sa mga TOTOONG KAIBIGAN na handang tumanggap sa kung ano ako. pero heto na naman ako. nakakainis!

Subscribe to:
Comments (Atom)