Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Saturday, June 16, 2007

mahabang byahe.

"BAKIT..

mas mabilis ang byahe pabalik?

kaysa pag papunta pa lang?.."

 

_________________________________

 

Sunday, June 10, 2007

if only tears could bring you back.

kanina lang, habang pinapanuod ko sa pangalawang pagkakataon ang polar express sa star movies, bigla naming napag-usapan ng mga kapatid ko ang tungkol sa isang mahalagang bagay. nasa scene na kasi kami kung saan nawala nung bata ung maliit na bell na bigay sa kaniya ni santa. sabi ng kapatid ko, kung ikaw ang  nasa kalagayan niya ano ang gagawin mo..?  sabi ko naman, siguro maglulupasay  ako sa kaiiyak.  ang sakit kaya nun.  isang mahalagang bagay  mula sa isang mahalagang tao sa napakahalagang oras at pangyayari, mawawala, bato ka kung di ka man lang masaktan dun. kahit sabihing maliit na bagay lamang iyon. at kahit sabihin pang pwede namang mapalitan. oO nga, pwede un, pero iba pa rin talaga ung tunay. may halaga. may sentimental value 'ika nga.
sa katunayan hindi naman talaga un ang punto o ang nais kong sabihin sa post na 'to. nabanggit ko kasi na kapag nawala un, masasaktan ako at maglulupasay sa kaiiyak. ayun. iiyak ako. tama. un nga. pagkatapos kong sabihin un, bigla akog napaisip, para san nga ba talaga ang mga luha..?
kapag nasasaktan tayo, umiiyak tayo. inilalabas natin ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng mga luha. hindi ba..?
pero bakit pag natutuwa..? hindi ba't minsan sa labis na kaligayahan napapaiyak din tayo..? kapag halos hindi mo na makayanan ang labis na tuwa, at wala ka nang mapaglagyan nito, hindi mo mamamalayan lumuluha ka na..? tama di ba..?
ngayon hindi ko na maintindihan kung ano ba ang luha. kung anong silbi nito. para san nga ba talaga ito..? sa sakit o sa tuwa..? bakit tayo lumuluha sa parehong pakiramdam na iyon na lubhang magkaiba..? bakit nga ba..?
________________________________________________________________________
hay, ewan. nawawala na naman ako sa sarili ko kaya kug ano-ano pinapopost ko. ibang klase talaga ang epekto ng katol. nakow.

Friday, June 8, 2007

wake up. stop dreamin'.

hmm.
bakit ganito. minsan ka lang makaranas ng konting kasiyahan, ilang saglit lang babalik na naman ung kalungkutan.
lagi na lang nagpapapansin kung kelan hindi pinapansin.
ang masaklap, lagi ko rin namang pinapansin. isang emosyong ksp. naku, san ka pa?
ngayon lang, narealize ko, that I really don't belong. I've been searching for someone, for anyone to make me feel that I belong.
I've been into groups also, makahanap lang ng security. ng care. ung tatanggapin ako. at akala ko natagpuan ko na un.
may mga nakilala ako. sa iba't ibang groups [The Anime Addicted, Societas Triskaideka, Youth On Fire, A Seek for Solace,]...
nung una ayos lang. masaya. pagtagal, ayun. hindi pa rin pala ako makacope-up. i still feel left-out.
they're all nice. they treat you as a friend. a family.
pero bakit ganito pa rin pakiramdam ko. hindi pa rin sapat. kulang pa rin.
ang selfish ko para isipin lang ang sarili ko. pero ano ba? I've been pleasing everybody for my whole damn life!
pero walang nangyayari. they still leave..
leaving you behind when you most need them. treating you like some trash after they've got all they needed from you!
sabi ko sa sarili ko, bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ito para sa kanila.
bakit ko sila kailangang i-please? why not please myself instead?
ano ba ang kasagutan sa mga tanong na ito?
ayun.
alam ko na.
gusto ko silang i-please dahil gusto kong magustuhan nila ako.
at kapag nagustuhan nila ako, tatanggapin nila ako.
mamahalin.
ituturing na kaibigan.
o higit pa.
pag nangyari un, na-please ko na rin ang sarili ko.
ganun nga siguro.
pero bakit ba hindi ko naisip na sa ginagawa ko, dalawa lang ang pwedeng mangyari.
ang tanggapin ako o ang i-reject ako.
at kailanman hindi ko natutunang paghandaan ung huli.
at un ang dahilan kung bakit nagawa ko ang post na 'to.
hayan ang napala ko.
kung bakit kasi naghangad pa ako ng kaibigan e.
ng kasama.
ng karamay.
masaya naman ako sa pag-iisa ko.
masaya ako sa paniniwalang hindi ko kailanman kailangan ang kung sino sa buhay ko.
sapat na ang ako lang.
sapat nang ang blog na 'to lang ang tanging karamay ko.
masaya na ako dito.
secured na rin ako. dahil alam kong kahit kailan, hindi ako iiwan ng blog ko.

Thursday, June 7, 2007

i will not kill you. i will break you..!

hmm. ano ba. nung isang araw. sa kapitbahay namin. may namatay. ahem. sabi nila nagpakamatay. sabi naman ng mga pulis, mukhang foul play. or let's just say, pinatay siya mismo. hindi rin napaghahalatang tsismosa ako noh..?
hmm. actually, kaya ko kinukwento 'to kasi. uhm, honestly, hindi ako naniniwalang
kayang gumawa ng isang tao ng ganung kagrabeng krimen. not until that fatal day.
oO, tama. hindi nga ako naniniwala. o mas tamang sabihing ayokong paniwalaan.
marami akong napapanuod sa news tungkol sa mga ganyang klase ng kwento. i even watch SOCO. totoong mga pangyayari. pero mas gusto kong isiping gawa-gawa lang un ng media para kumita ang palabas nila.
pero hindi ko na maisip na ganun nga un.
masaklap.
pero wala akong magagawa sa bagay na un. ito ang totoong mundo. hindi panaginip. hindi kathang isip. *sigh*
nilikha ng Diyos ang tao na mas mataas sa hayop.
pero sa ginagawa ng tao, ipinapakita niya na mas masahol pa siya sa hayop.
isa lang 'to sa mga masasaklap na katotohanan ng pagiging tao.
*sigh ulit*

Friday, June 1, 2007

sana ang buhay ay tulad lang ng isang gitara.

may isang palabas akong pinanuod dati. talk show yata un. dahil madalas pag-usapan e tungkol sa pag-ibig, nasabi niya ang mga katagang 'to..
'always have the courage to love one more time. always one more time..'
na-inspire ako noon sa sinabi niya. sabi ko sa sarili ko, tama siya. masaktan ka man ng paulit-ulit, di mo dapat isara ang puso mo para magmahal muli. ayon e. go lang ng go. ma-try nga rin minsan sabi ko pa.
isang taon na ang nakaraan. o mahigit pa. kumalas ako sa boypren ko dahil lang sa kadahilanang hindi kami lubos na magkaintindihan.
puro kami away. nagkakabati rin naman agad, pero hindi lumilipas ang isang araw nang hindi kami nag-aaway. nung una, ayos lang. mahal ko siya. sakripisyo lang. at alam ko rin namang mahal niya ako. tiwala ako sa bagay na yun.
pero nagsawa din ako sa ganung bagay. away-bati. kung talagang mahal niya ako, bakit puro na lang away ang nangyayari sa amin? nagkaroon ng konting pagdududa. nagkaroon ng lamat. nagkaroon ng butas.
di nagtagal, napuno na ako ng pagdududa. kumalat ang lamat. lumaki ang butas. sabi ko, ayoko na. mabuti pa, tigilan na lang natin 'to. sumuko na ako. napagod.
ayaw niya. bakit ganun? kung ayaw niya akong pakawalan ibig sabihin mahal niya talaga ako di ba? pero dahil bobo ako. bumagsak ako.
isang taon na ang nakararaan. o higit pa. at sa paglipas ng panahong un, may mga nakilala din akong iba. pero lahat sila hindi nagtagal. akala ko sa una, mahal ko na. pero di pa tumatagal ng isang linggo, sawa na ako. hindi ko pala mahal. ilang beses akong sumubok. ilang beses nabigo.
sabi ng huling boypren ko, bato daw ang puso ko, hindi raw ako marunong magmahal. tinamaan ako dun. halos mayanig ako sa realisasyong un. paulit-ulit umuukilkil sa isipan ko ang bagay na un. paulit-ulit kong itinatanong sa sarili ko kung totoo nga ba ang bagay na un. nasaktan ako. at dahil dun, nalaman kong, may damdamin pa rin naman ako.
_________________________________

*itutuloy.
hindi gumagana ang utak ko.
pagdating sa mga bagay na ganito.
wala akong kwenta.
haaayz..!
sana mas gumaling pa ako sa pagsulat.
tulad ni jaja.
o kaya ni luiren.
o ni ein.
katulad din ni jeanette.
katulad ng mga miyembro sa deluge of colors.
katulad ni hiroki.
haaayz ulit.
si hiroki ang pinakadakilang inspirasyon
ko sa pagsusulat.
wala lang.
naalala ko lang nung una kong mabasa
ang mga blog entries niya.
sheesh.
im glad i met him.
kahit sa pamamagitan lang ng mga titik
na isinulat niya. ;p