Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, February 14, 2018

Ka Andres to Ka Oryang

Because it's Valentine's Day, gusto kong ibahagi the sweetest love letter ever written. This was Andres Bonifacio's letter to Ka Oryang.

1897 Mayo 1

Mahal kong Oryang,

Mali ka. Hindi kita nakasalubong upang sa dulo ng kalsada, ako ay liliko sa kanan at ikaw sa kaliwa. Sapagkat saan man tayo dalhin ng ating pakikibaka, ikaw lang ang aking itatangi at makailang ulit na ihaharap sa pulang bandila.

Hindi tayo nagpalitan ng mga kwento upang sa pinakahuling tuldok ng pangungusap, ang karugtong ay alingawngaw ng katahimikan. Walang pagod kitang aawitan ng imnong pambayan, Oryang. Hindi kailanman ako mauubusan ng salita upang maialay sa iyo bilang mga tula. Maging ang bulong at buntung-hininga'y magpapahayag ng pagsinta sa tulad mong umiibig din sa bansa.

Hindi tayo sabay na tumawa, nagkatinginan, at tumawa pa nang mas malakas, upang sa paghupa ng halakhak ay may butil ng luha na mamimintana sa ating mga mata. Loobin man ng Maykapal na pansamantala tayong magkawalay, tandaan mong ang halakhak at sigaw ng ating mga kasamahan ay sa akin rin. Hindi ka dapat masabik sa akin sapagkat ako'y mananatili sa iyong piling.

Hindi kita niyakap nang ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay maramdaman mong iniiwan kita. Habambuhay akong magiging tapat sa ating panata, Oryang. Kapara ng binitawan kong sumpa sa ngalan ng bayan, tayo'y mananatiling katipun, kawal, at bayani ng ating pagmamahalan.

Hindi tayo bumuo ng mga alaala sa umaga, tanghali at gabi upang sa muli mong paggising ay maisip mong hindi tayo nagkasama sa pakikidigma. Hindi ko man hawak ang bukas, nais kong tanganan mo ang aking pangako na ilang ulit kong pipiliing mabuhay at pumanaw upang patunayan sa iyong mali ka. At kung magkataong ako'y paharapin sa ating anak na si Andres, buo ang loob kong haharap sa kanya at sasabihin ko sa kanyang mali ka.

Hindi ako bumati sa simula upang sa huli ay magpaalam.



Ikaw ang aking bayan,
Andres


Monday, February 12, 2018

Di pa tapos

Hindi ikaw yung tipo ng lalaking mag oorder ng isang dosenang bulaklak para sorpresahin ako, at hindi rin naman ako yung tipo ng babaeng mahilig sa mga ganung gimik, not that I am worth surprising with a dozen of flowers over, hell I thought it was corny and you knew that. Nakailang monthsary na nga ba tayo, ni walang kahit isang bulaklak man lang ng kalabasa.

But, it was fine. You knew I didn't like corny things. And when you found out that I wanna be treated like every other girl, too, no matter how corny it was, you showered me with roses. And that was fine, too. Sweet even. You always go out of your way to do the things that would make us happy. I remember that one Valentines day which I will regret over and over, the one I ruined because of my overly messed up brain. Yung malalaman ko nalang na may nakahanda ka palang surprise. Which to be honest I didn't ever expect kasi nga we don't do surprises. I felt awful that day, until now.

So you see, we weren't typical. We do shit differently. And I want us to stay that way. Every second spent with you is an adventure.

Tbc


Wednesday, February 7, 2018

To the you who's reading this;

When someone dies, aside from the good words and compliments thrown here and there for the dead, you'll hear a lot of "sayangs."

"Sayang hindi ko man lang nasabing mahal kita/kung gaano kita kamahal."
"Sayang hindi man lang tayo nagkita."
"Sayang hindi man lang tayo nagkausap."
"Sayang inuna ko yung galit/tampo ko."
"Sayang hindi man lang ako nakahingi ng tawad."
"Sayang..."

Sa dami ng sayang, ano kasing ginawa mo?

Time runs out. People leave, either for a while, for the longest time, or forever. Hindi habang buhay makakausap, makakasama, makikita mo yung mga taong mahahalaga sa'yo. One minute they are there, kausap mo, binubulyawan mo, nilalambing mo, sinasapak mo, and then the next, wala na.

Lahat tayo, we tend to take time and people for granted. Pag galit ka sa isang tao, pinapairal mo yung galit mo, yung pride mo. Imbes na yung oras na galit ka eh ginugol mo nalang sa pakikipagunawaan at pagpapatawad, but no. Pag mahal mo naman, madalas inaabuso mo yung pagmamahal nila, be it your family, friends, boyfriends/girlfriends/husbands/wives. Ni hindi natin inaappreciate yung mga bagay na ginagawa nila para sa atin. Kasi at the back of our minds, alam nating andyan lang sila anytime. Andiyan lang sila pag gusto mo na silang kausapin ulit. Andiyan lang sila pag kailangan mo sila, andiyan lang sila, nakaantabay, naghihintay. But we never know what tomorrow or even today may bring. Limitado lang ang oras natin, at pwedeng maputol yun sa anu mang pagkakataon.

So instead of hating each other and throwing expletives at one another, kung may kagalit kayong kaibigan, kapamilya, ka-syota, why not forgive. Don't let your pride get in the way of happiness and making beautiful memories with them. It's better than spouting lots of "sayangs" when they're gone. Time is as much as precious as everything. Perhaps it may be the most precious of all. Tell everyone you care how much you love and appreciate them. Because who knows, baka bukas wala na sila. We should always keep that in mind.

So, if you're one of those people who have access to this blog, that means you're precious, I love you and I appreciate you. Thank you for being a part of this life. :)