Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Monday, April 25, 2016

A room for breathing

Akala ko simpleng bagay lang. Simpleng bagay yung pagpunta sa bahay niyo, yung saglit na pamamalagi sa kwarto mo, yung kahit papano ay masulyapan kahit sandali lang ang lugar na kinalakhan mo.

Hindi pala.

Malaking bagay pala ang magiging epekto sa akin nun.
Na kahit alam kong nandun lang ako para sa isang bagay na nais mong mangyari,
malaking bahagi pa rin ng pagkatao ko ang naiwan sa munting kwartong iyon.
Na balang araw baka maging parte na rin ng mga kagamitang nakasalansan at inaalikabok.

Pero habang hindi pa umaabot sa araw na iyon, gusto kong ibahagi na seeing you in your private space is giving me overwhelming emotions. It makes me feel like I have been a part of you all this time and being in your room seemed like a perfect thing.

And being in your life is a decision worth making.