What is your worth? Naisip ko (ngayon-ngayon lang) kung ano nga ba o gaano nga ba ang halaga nan isang tao. Kung gagawing numerical ang worth nan isang tao, siguro nagsisimula ito sa 50% pagkapanganak mo.
Bakit 50%? Kasi sanggol ka palan. Ang halaga mo ay un lang pagbibigay kasiyahan sa magulang mo. Dahil nga nabuo ka. Dahil buhay ka. Dahil andito ka.
Pero bakit kalahati agad? Kasi malaking bahagi nan buhay nan mga magulang mo ang bahagi na rin nan buhay mo. Yun bang tipong "kalahati nan buhay ko ay sa'yo."
At sa bawat karangalang natatamo mo, nagdadagdag nan isang porsyento ang halaga mo. Hindi ito limitado. Kung hanggang saan ang aabutin mo hanggang sa pagpanaw mo, un ang bilang nan halaga mo.
Pero mahirap. Mahirap mabuhay nan sinusukat ang halaga nan bawat tao. Paano na lang ung mga hindi nabiyayaan nan kung anu mang bagay na maaaring maging dahilan nan pag-abot nila sa kun anu mang karangalang maipagmamalaki nila? Paano ung mga may kapansanan? Ung mga maagang nabaldado? O ung mga maagang natigok? Kokonti lang ang maiipon nilang halaga. Kokonti ang magiging halaga nan pagkatao nila.
Sabi nila pantay tayong lahat sa paningin nan Diyos. Si Lord na mismo un. Siya na mismo ung walang paki kahit ano pa ang pagkatao mo. Kahit gaano pa kababa ang halaga mo.
Pero bakit tayong mga tao? Tao lang tayo pero ang galing nating mangmata nan kapwa tao natin. Ang galing naten sumukat ng halaga nan ating kapwa base sa kung gaano kadaming medalya ang nakadisplay sa bahay nila. kung gaano karaming kotse, kung gaano kalaki ang bahay, kung gaano kataas ang posisyon nila sa trabaho.
At para sa iba naman, kahit maganda na ang narating nila, singkwenta porsyento na agad ang nadagdag sa halaga nila, hindi pa rin sila kontento. Gusto pa nan mas malaki. Hindi sapat ilan man ang madagdag. Hindi sapat para sa kanila, hangga't hindi rin un sumasapat sa ibang taong tingin nila ay siyang sumusukat nan halaga nila.
Ang daling maging tao, pero ang hirap maging tao. Ang daling mabuhay, pero mahirap mabuhay. Ang daling sumukat nan halaga, pero mahirap abutin ang halagang ninanais mo o nan ibang tao para sa'yo.
At para sa akin, noon, ngayon at malamang kahit kelan pa, ang hirap mabuhay. Especially if you've been feeling worthless all your life.