Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, November 30, 2011

PANATA: isusulat ko na lahat nan iniisip at nararamdaman ko. Kahit puro walang kwenta pa ang mga yun. Sana magawa ko. :DDDD

Monday, November 28, 2011

11.27.011

"Di ako makatulog sa kakaisip sa'yo.
Namimiss na agad kita.."
-- C


*wala lang. nakakakilig lang. Ang mundo ko ay kulay peeeenk ~ ^_^

Wednesday, November 23, 2011

Alice -- Buzz Panda

Bagong post. yey! Wala lang. First time [ulit] ko lan kasi dito sa blogger kaya eto medyo excited gumawa nan blog post. At tutal medyo matagal na rin mula nun huling post. Kaya siguro eto magkukwento ako ulit. :D

Pero ang siste, hindi ko alam kung ano ang ikukwento ko :3
hmm. siguro iisa-isahin ko na lan lahat nan nararamdaman/naramdaman ko.

Malungkot.
Dahil sa buzz panda na siyang laman nang playlist ko sa ngayon. Basta eto pinapakinggan ko, walang duda, tatakbo ang utak ko sa kung saan-saan, gagana ang mga mumunting bumbilya nito at ang kahahantungan ay lungkot. Pero kung dati halos malugmok ako sa lungkot nang dahil lang sa isang kanta, sa ngayon hindi na gaano. Dahil sa maraming kadahilanan.

Sabi niya, mas malakas na daw ang support system ko ngayon.

"Well done lian, you're trying to open up to a lot of people now. Magandang improvement yan. At least mailalabas mo lahat nan saloobin mo. Lahat nan iniisip mo. At nang sa ganun ay may makakatulong sa'yo sa pagharap sa mga oras na kailangan mo nang karamay.. Hindi ba magaan sa pakiramdam na may nasasabihan ka nang mga bagay na bumabagabag sa'yo?"

Open up? To a lot of people? You're wrong, miss. I don't open up to a lot of people. I still keep things to myself. I still keep my thoughts locked up and rotten inside my brain.. I still let my feelings eat me out.

Pero tama siya, magaan sa pakiramdam un paminsan-minsan nasasabi mo un nararamdaman mo. Hindi kailangang sa maraming tao. Kahit isang tao lang solb na. Basta ba tiwala kang sinsero siya sa pakikinig at pakikiramay sa'yo. At masaya akong may mga tao akong nakilalang talagang mapagkakatiwalaan ko.

"Madali lang namang mag-open up ehh. Just tell them what you think, put your feelings into words then speak them out.."

Hindi po ganun kadali un.
Dahil minsan kahit ganu kadami ung mga bagay na tumatakbo sa isipan mo, hindi mo sila mahuli para ilabas sa utak mo.
Minsan kahit gustuhin mong isalarawan sa pamamagitan nang mga salita ang nararamdaman mo, may mga bagay at pakiramdam pa din hindi mo "mai-translate" into words or kung magawa mo man, mahirap namang bigkasin.
At minsan, kahit ganu ka pa kagaling magsalita at magsalarawan nan mga iniisip at nararamdaman mo, dakdak ka ng dakdak, hindi ka pala naiintindihan. Hindi pala nila magets. Or wala lang silang pakialam. Kaya mas mabuti na lang wag magsalita.

Keep your mouth shut. It's easier.

Disappointed ako nung nakaraang araw,
Ilang birthdays ko na ang nagdaan nang hindi iniisip na espesyal na araw un. Sabi ko, ordinaryong araw lang yun. Para saan pa ang selebrasyon? Gastos lang un. Tama na un taimtim na pagdarasal at pasasalamat para sa panibagong taong magdaraan sa buhay ko.
Pero nung nakaraan, napagdesisyunan naming magkasama sa December. Kaunting araw lang. Hanggang Pasko. Excited ako. Masaya un. Syempre, wala nang sasaya pa sa bagay na makakasama mo ung taong mahal mo sa dalawang pinakaespesyal na araw sa buhay mo. Pero madaming problema, Or dalawa lang ung problema. Malalaking problema.
Una: Pera, Kailangan nan medyo malaki-laking pera para matupad ung bagay na un.
Pangalawa: Magulang. Kelangan niyang magpaalam sa magulang niya, Hindi siya pwedeng mapadpad sa isang napakalayong lugar nang hindi man lang nagpapaalam sa kanila.

Nasolusyunan ung unang problema. Ayos! Malapit nang magkatotoo ung pinapangarap ko ngayong darating na kaarawan ko.
Pumalpak ung pangalawa.
"Sobrang layo ng La Union. Panu kung may masamang mangyari sa'yo sa pagpunta mo dun?"

Tama nga naman si tatay, Masyadong malayo itong samin. Kahit may pera kung hindi naman ganun kaligtas ang bumyahe. Hay.

Eto lang. Ngayon lang ung time na naghangad ako nang sobra para sa kaarawan ko. Kuntento na ako sa simpleng araw lang. Hindi naman ako naghahangad nan matinding regalo. Ngayon lang, eto lang. Pero ndi pa napagbigyan. :( Pero sabi nga nila, "God has something better to give" daw kapag hindi niya tinupad ang hinihiling mo sa ngayon. Kung anu man un, Lord, pramis aantayin ko.

"Wag na wag mong sasabihing hindi espesyal ang araw ng kaarawan mo. Wag na wag mong sasabihing ordinaryong araw lang iyon. May handa o wala, may regalo o wala, magkita man tayo o hindi. Kahit anu pa man ang mangyari sa araw na iyon, espesyal pa din iyon. Dahil iyon ang araw na itinakda nang Diyos para bigyang buhay ka sa lupa.. Para sakin espesyal iyon"
-- C (edited)

Oo nga naman. Bakit ba ang ibang tao, kapag walang handa, walang pera o pakiramdam nila wala silang kwenta, hindi na nila tinuturing iyong kaarawan nila bilang isang espesyal na araw. Isipin mo na lang. Malamang nung ginawa tayo ng Panginoon, masayang-masaya siya..

"Ito ang araw na bibigyang buhay kita.. Mula sa araw na 'to magsisimula ang iyong paglalakbay bilang tao. Mararansan mong magmahal, masaktan, maging masaya, malungkot, magkaroon ng maraming kaibigan, ng mga kapatid at magulang. Magiging masaya ka sa piling nila at mapapasaya mo sila sa pamamagitan ng iyong presensya. Espesyal ang araw na 'to para sa'yo at sa akin."
-- sabi ni Lord sa aking isipan.

Salamat sa'yo at naintindihan ko ang bagay na iyon.

Hay. Parang ang weird na ng post na 'to. Sabi ko ikukwento ko lahat nang naramdaman ko pero mukhang nalihis ung mga kwento.
Pero..

"Opo madali lang palang maglabas nang nasasaloob. Madali lang palang gawing mga salita ang mga pakiramdam. Madali lang palang huliin at ilabas lahat ng bagay na tumatakbo sa aking isipan. Pero, hindi paglalahad sa ibang tao kundi sa isang blog.  Hindi sa pamamagitan ng pagsasalita kundi sa pamamagitan ng mga tinipang letra. Tama ka, miss. Pero mali ka pa din."


Saturday, November 19, 2011