hindi naman ako malaking kawalan sa mundo kung mawala ako..
at mas lalong hindi ako malaking kawalan sa'yo.
-----------------
Now Playing: Dearest|Ayumi Hamasaki
OT: Inu Yasha's one of those animes who has the best songs ever. :')
Tuesday, August 23, 2011
Saturday, August 20, 2011
Change.
Magbabagong buhay na ako. Magiging masaya na lagi.
Ilang beses ko nang nasabi yan. Pero hindi ko naman ginagawa.
Siguro nga hindi kailangan sabihin ang isang bagay o pilitin ang sariling magbago nan hindi naman bukal sa loob ang pagbabago.
Siguro mas kailangang hintayin na lang dumating ung araw na magigising kang nagbago ka na pala nang hindi mo namamalayan. Na imbes na takot kang harapin ang bawat umaga, mas nauuna ka pang gumising para salubungin ang sikat nang araw.
O ung takot kang matulog sa gabi dahil sa mga nakakatakot na panaganip, hindi mo namamalayan mahimbing na pala ang tulog mo. Mapayapa. Walang bumabagabag na kung anu man.
________________________
Hindi ko alam kung nagising na ako sa araw na yun pero masasabi kong oO, unti-unti na akong nagbabago.. Unti-unti ko nang nauunawaan ang halaga nang bawat araw na dumarating. Unti-unti ko nang niyayakap ang kasiyahang dulot kahit nan mga mumunting bagay sa paligid ko.
Unti-unti ko nang nasasabayan ang isang kanta nang hindi nalulunod sa mga letra nito. Unti-unti ko nang inaalis ang takot sa isipan ko. Paunti-unti. At unti-unti ko nang nauunawaan na ang isang pagbabago nagsisimula sa paunti-unting hakbang.
________________________
Ilang beses ko nang nabanggit ang mga bagay na 'to dito sa blog na 'to. Pero.. sa ngayon, masaya akong sabihing bukal lahat 'to sa kalooban ko. Masaya ako sa bawat araw na nilalagi ko sa mundo. Maraming beses akong madadapa, siguro halos sa bawat paghakbang ko nadadapa ako, pero hindi na masakit ang mga sugat ko dahil sa bawat pagdapa ko, andiyan ka na para alalayan akong tumayo. Malayo man ang tatahakin kong daan, hindi na ako natatakot harapin ito dahil alam kong kasama kita sa pagharap nito. Sana hanggang marating ko ang pinakadulo ng daan, ikaw pa rin ang kasama ko. Sana.
___________
lies. this is a fiction.
i am breaking.
and i am happy.
---------------------------
NP: Broken by Secondhand Serenade.
____________________

Subscribe to:
Comments (Atom)