gusto kitang makasama. kahit minsan lang. gusto kong mahawakan ang isa sa mga taong pinahahalagahan ko nang sobrang-sobra.
sabi mo dati "kung pwede lang mag-evaporate at pumunta sa'yo"
kung pwede nga lang sana.
dahil..
gustong-gusto na kitang makita.
mayakap.
makakwentuhan.
totoo ka ba?
minsan gusto kong tanungin sa'yo iyan. dahil gusto kong malaman na hindi ka lamang gawa ng imahinasyon ko, ng puso ko.
minsan gusto kong tanungin sa'yo iyan. dahil natatakot akong isang araw paggising ko, wala ka na rin sa tabi ko. dahil tapos na pala ang panaginip ko.
masaya akong nakilala kita.
masaya akong nakausap kita.
at mas masaya akong naging kaibigan kita.
_______________________________________________
sana pwedeng mag-evaporate at pumunta sa'yo.