'mushy. everything is mushy these days. mula sa kanta hanggang sa mga salitang ginagamit. at nakakairita na. alam mo un? ung tipong sobrang kinaaayawan mo ung mga kantang ikaw na nga at kung para sa'yo ni willie revillame dahil masyadong baduy, pero aun. andun ka sa sulok, nagsesenti pinapakinggan ang mga kanta niya. at pasabay-sabay pa. ehehe.
parang ako. toinks!
there is this particular someone i like.
ngayon lang ulit nangyari ito.
ung tipong ngayon lang ulit kinilig
tumibok ang puso
na-electric shock
mga ganun ba.
dahil ngayon lang ulit, hindi ko alam ang gagawin ko.
kaya ang nangyari, nasabi ko.
haha, kung di ba naman timang noh.
nung una, ok lang.
friends lang kami. hindi naman ako nag-eexpect ng kung ano. sabi ko pa nga sa sarili ko, mature na ako ngayon mag-isip pagdating sa mga ganyang bagay. malawak ang pang-unawa ko. na basta maramdaman ko lang ito, ok na. i just have to love the feeling, na kahit prends lang kami hindi ako masasaktan.
matured na nga.
nung una.
nung mga sumunod na araw?
wala na.
nahulog na nga ako ng tuluyan.
at narealize ko...
wala palang nahuhulog ng hindi nasasaktan
lalo na at wala namang sumasalo.
kaya ngayon, parang gusto kong pagsisihan ang lahat.
lahat ng mga nasabi ko.
lahat ng mga ginawa ko.
pero hindi lahat ng naramdaman ko.
masakit man tanggapin masaya din naman ako. dahil naramdaman ko 'to. dahil hindi siya lumayo. dahil siya ang nagustuhan ko.
masaya pa rin ako. kahit masakit din minsan.
hindi pa rin pala bato ang puso ko tulad ng sabi ni *insert name here* [lintek lang ang walang ganti. *****! hehehe. *patalastas*] dati.
*sigh*
tomorrow is another day sabi sa commercial.
madalas din sabihin ni conrose yan.
tama nga. baka bukas wala na 'to. sana bukas wala na ang pakiramdam na 'to. at sana bukas siya pa rin ang mahal ko.
*mushy*
*sniff sniff*