Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Friday, May 22, 2009

'chocolates and marshmallows...'

'nakakainis di ba? masaya naman ang buhay. kung bakit kailangan pang maging malungkot.. simple lang, kung bakit kailangang maging kumplikado. maayos, pero madalas magulo. ngingiti ka, tatawa, mamaya iiyak.. luluha.

may mga dahilan. kadahilanang hindi maiiwasan. at kahit takbuhan patuloy ka pa ring susundan.. sabi ng karamihan, ganyan talaga. kung ano ang nakatakda, siyang magaganap.. sabi rin ng karamihan, ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran. pero kung ano pa man, badtrip pa rin minsan ang buhay. di lang pala minsan... madalas. at naisip ko rin hindi pala kailangang pumili sa kung ano ang nais mo sa buhay mo. ang sarili mong kapalaran o ang nakatakda na? dahil kung tutuusin, ang ginawa mong kapalaran ang siya nang nakatakda sa'yo. kaya kahit alin man sa dalawa ang piliin mo, iisa lang ang kalalabasan. iisa lang ang kahihinatnan...

masarap ang chocolate.

masarap din ang marshmallows.

gusto ko silang pareho.

pero mas gusto ko ung huli.

katulad mo din.

ano ba ang mas gusto mo?

kung ano man un, yun ang piliin mo.

wag mong piliin ang isang bagay na pinili ng iba para sa'yo.

ano bang malay nila sa gusto mo? sa ikasasaya mo?

dahil pag pinili mo ang gusto ng iba para sa'yo, sa una lang masarap. maiisip mo, masarap kasi nakikita mo silang masaya na kinakain mo ang inihanda para sa'yo. pero sa kalagitanaan, masusuya ka na. hindi na pala masarap. at kahit nakangiti pa sila, at napapasaya mo sila, maiisip mong, mas masarap pa rin kung ikaw mismo ang ngumingiti at nasisiyahan sa gusto mo.

hindi naman "kung sino ang mga napapasaya mo" ang tunay na kahulugan ng buhay mo, dahil kadalasan ung mga napapasaya mo walaring pakialam sa ginagawa mo para sa kanila. kaya ang mas mabuting kahulugan ng buhay mo ung.. "kung masaya ka ba.."

chocolates?

marshmallows?

take your pick...

"sa akin un katulad nung wiggles ba un? chocolate-covered marshmallows.. kumbaga, hitting two birds with one stone 'ika nga.. hehe."

kung gusto mo silang pareho, e di silang dalawa ang piliin mo..

paano?

pag-isipan mo.

kahit alam kong hindi naman kailangang pag-isipan un.

ka-ek-ekan lang kumbaga.

_________________________

NOW PLAYING: