Protected by Copyscape DMCA Takedown Notice Infringement Search Tool

Wednesday, August 9, 2006

sa computer shop kasama si jhack :)

hmm.. i was going through some of my things before. memorabilia ba, hehe. and i just kinda miss me. nah, i miss myself. i mean ung totoong ako. pansin ko lang kasi, this isn't me at all. i'm a stranger to my own self. nkakalungkot. Oo, tama nakakalungkot nga ung halos hindi mo na kilala ang sarili mo. nakakalungkot isiping ang dating ikaw ay napag iwanan na ng panahon. hindi na nakasabay sa agos ng buhay. nakakalungkot isiping ni hindi mo man lang magawang ngumiti kahit sa mga simpleng bagay na dati naman nakakapagpangiti sa'yo. nakakalungkot isiping sa tuwing titingnan ka ay puro na lang kalungkutan ang masasalamin sa'yong mga mata. nakakalungkot hindi ba? pero ano pa nga ba ang magagawa? maibabalik pa ba ang dati? maibabalik mo pa ba ang dating ikaw? ah, ewan... maglolog out na ko. tapos na magnet si jack ei, alangan naman maiwan akoh dito di ba? saka gabing- gabi na... inaantok na rin ako. maaga pa ko bukas.night mga kaibigan!